Wednesday, October 31, 2018

Insights on Dark Tourism in Metro Manila and South Luzon

Have you experience to visit cemeteries as an itinerary in a tour? Can you imagine that cemeteries will be considered as tourist spots? Can you find some pitch for travel writing in graveyards and burial sites?
A classic photo of my 2012-2013 tour in Nagcarlan Underground Cemetery
which captivates interesting ideas on dark tourism.
A portion of Paco Park, also known as Paco Cemetery. 
Nowadays, one interesting trend about travel writing is the "dark tourism." First, when you are typing the Google search engine on meaning of dark tourism, it refers to "tourism directed to places that are identified with death and suffering." When I read the post in the travel blog of the Pinay Solo Backpacker, Dr. Philip Stone of  the University of  Lancaster in 2005 defined dark tourism is the act of travel and visitation to sites, attractions and exhibitions which have real or recreated death, suffering or the seemingly macabre as a main theme.

At first, it sounds unusual or creepy to try the concept of "dark tourism." However, if you are thinking of some places such as the Sunken Cemetery in Camiguin, Nagcarlan Underground Cemetery in Laguna or the Hanging Coffins in Sagada, they are burial sites which are tourist attractions in their respective towns. In this post, we will be featuring sites previously featured in this blog where these places are interesting to travel within and near Metro Manila.
The facade of Nagcarlan Underground Cemetery with its bricked pavements.
Nagcarlan Underground Cemetery
Nagcarlan, Laguna

Nestled in the foothills of Mount Banahaw, Nagcarlan is a rustic town located in the heart of the province of Laguna. The town is noted for its sweet delicacies, an old Spanish Baroque church and an underground cemetery.
The bricked arch of Nagcarlan Underground Cemetery
It was built in 1851 and became a secret headquarters of the Katipuneros during the Revolution in 1896. The site is noted for its bricked arch and facade of the chapel will captivate your attention. There are almost one hundred forty niches in the octagonal grounds and thirty-six niches in the underground crypt. The cemetery was a burial place of Franciscan friars, former barangay leaders during the Spanish era and prominent Catholic families in Nagcarlan. When you enter the Underground Crypt, avoid taking photos with flash in your camera.
The ruined barracks in the Corregidor Island. 
Corregidor Island
Cavite City

A small island in the entrance of Manila Bay, Corregidor Island is just three miles away from the peninsular province of Bataan, but the tadpole-shaped island is part of Cavite City which is located ten miles away. The island is noted for its ruined barracks and old cannons and mortars used during the World War II, Corregidor is also a place where you need to remember the valor of Filipino and American soldiers during the Pacific War and to recall the history of our country during that period where the Filipinos defended our country against the Japanese invaders.
The Pacific War Memorial 
A marker in the Japanese Garden of Peace.
There are memorial sites in the island such as the Pacific War Memorial which featured a rotunda with a circular altar dedicated to the heroes who sacrificed their lives for their country, the Filipino Heroes Memorial which featured tableaux of different heroes and historical events in the country and the Japanese Garden of Peace for the heroic act showed by the Japanese soldiers for showing patriotism. Therefore, the island is a place where you need to commemorate the colorful history of our country as a fortress of heroic acts and patriotism.
The Saint Pancratius Chapel in Paco Park, Manila.
Paco Park and Cemetery
Paco, Manila

It was once Manila's municipal cemetery built by the Dominicans during the Spanish colonial period. It is located in General Luna Street at the end of Padre Faura Street in Paco, Manila. The construction of cemetery was issued in 1807 and it was inaugurated on 1822. The cemetery was also the place of interment of Dr. Jose Rizal after his execution in Bagumbayan in 1896. Interment at the park was ceased in 1912 and those who buried in the park were exhumed and transferred to other cemeteries in Manila. Today, it is a park which is a venue for weddings and events.
The historical marker for the the three friars, GOMBURZA, as their burial site.
Inside the Paco Cemetery is a chapel dedicated to St. Pancratius, a Roman citizen who converted to Christianity. Some of the notable interments in this former cemetery are Dr. Jose Rizal and the GOMBURZA (Father Mariano Gomez, Father Jose Burgos and Father Jacinto Zamora), the three friars who were executed because they were linked in the Cavite Mutiny.
The Chapel of Saint Pancratius in Campo Santo de La Loma.
La Loma Cemetery (Campo Santo de La Loma)
Caloocan City

Located in the southern part of Caloocan City which is adjacent to the borders of Manila, La Loma Cemetery is the oldest cemetery in Manila. It was opened in 1884 and was originally known as Cementerio de Binondo (Binondo Cemetery). Campo Santo de La Loma is one of the few sites that escaped ruin during the Battle of Manila in 1945 where most of the city’s collection of architecture was destroyed.
The facade of Saint Pancratius Chapel.
Some of the notable burials in this cemetery are Filipino historical figures such as Pablo Ocampo, Cayetano Arellano, Josefa Llanes Escoda, and Tomas Mapua, to name a few. The cemetery is noted for the Chapel of Saint Pancratius which was also built in 1884 and there is a mass during All Saints Day in this church.

To end up this post, I would like to emphasize that I want to diverge from exploitation of dark tourism and promote responsibility in visiting those places in order to explore the history and culture of a town or city. There are ethical issues concerning this aspect of tourism, but if the purpose is to educate the readers and share the better understanding of our history and culture, you are on a good track. These reasons draw me to visit such morbid places. Just keep exploring on the bright side of dark tourism. 

Sunday, October 28, 2018

A Walk at the Last Lung of Manila | Arroceros Forest Park

"I think that I shall never see, a poem lovely as a tree." 
- Joyce Kilmer

When I was in elementary, I remember my English teacher taught this poem entitled "Trees" written by American poet Joyce Kilmer. We memorized this poem and it is part of my life since then because it is all about the appreciation of nature through trees. In addition, my Science teacher discussed the trees - its parts and functions in the ecosystem. We also experienced to draw trees and putting verdant colors in it as part of our output in Arts.
It is such a best thing to stay in a forest park to feel relaxed in the natural ambiance with trees and plants.
Trees played an important role in our lives as part of our garden and backyard and looking at them forms a relaxing feeling because of its lush, verdant color. It is proven that trees protect our planet from global warming and natural disasters as well with providing food, fresh air and shelter for humans, animals and plants. It also serves as inspiration for poets, artists and nature lovers where they usually go to nature parks or forests. Also, trees can be found in the cities in order to moderate the hot climate in the metro. In our country, there are very few forest parks in the urban areas particularly in Metro Manila. Forest parks can serve as a habitat for trees, plants and animals and providing fresh, cool air in the city. 
The old signage of Arrocero Forest Park with few etchings and rust. 
The new signage in a tarpaulin teemed with its verdant background.
Within the busy streets of Manila, you can find the Arroceros Forest Park in the Central District of Ermita. This park is located in Antonio Villegas Street (formerly known as Calle Arroceros), adjacent to Lawton Park and Ride Terminal and LRT 1 Central Station and it is near in the foot of Quezon Bridge where you can enjoy the view of Pasig River. It plays an important role since it is the only forest park in the city dubbed as the "Manila's last lung." It was developed in 1993, the 2.2 hectare urban forest is a home of 61 different tree varieties and 8,000 ornamental plants, providing a habitat for 10 different bird species. The riverside park is also houses the central offices for the Division of City Schools. In fact, it is operated by the City Government of Manila and Winner Foundation.
The pathway inside the park where you can enjoy walking in a trail.
The view of Quezon Bridge from the park.
The Pasig River seems gradually improved because of its clean water, hence there will be more actions
to be done for saving the river from pollution.
It is very relaxing to walk in this forest park. You can forget the hustling scenario of the metro from colossal traffic jams, scorching hot weather and the serene ambiance of nature in the middle of the city. You can enjoy the view of Pasig River and the Quezon Bridge from this park and most important thing, you can experience a breathe of fresh air from trees and plants and listening to the humming and chirping of the birds inside the park. However, what will happen if this park will be lost?

The place was under the threat of destruction in 2003 where it was closed by then mayor Lito Atienza for the construction of school administration building and teachers' dormitory on a portion of the park despite protests from environmental groups. It was reopened in 2007. Ten years later, the park was threatened again because of the city government's plan to transform this place into a school gymnasium. Therefore, the environmentalists won the fight, but reports say that Mayor Joseph Estrada only delayed it.
The  park caretaker, Mr. Antonio Magno, having a quiet moment, reading newspaper as a form of recreation.
I've got the chance to talk to the 88-year old caretaker of Arroceros Forest Park, Antonio Magno. He is a former columnist who found his happiness in this park. In a quick conversation, he told me that the preservation of this park relies on the next generation of people. The future of this forest park depends on the youth

Based on his statement, we should take care of this forest park because it reminds us that the City of Manila is living because of the trees and plants that provide fresh air despite of the smog and polluted air in the Metro. It protects the city from the extreme heat of the sunny weather and a place where you can relax from the busy and exhausting routine of urban life. It is a place which is rich in history as part of the Calle Arroceros - a rice trading site during the Spanish era, a street where the Chinese traders established their mark in the Parian, one of the first streets where modernization of buildings took into place and an archaeological site where old Chinese artifacts are found in this area. Lastly, it is the only place in Manila where there are dense population of trees and plants and a habitat for birds amidst in the city's concrete jungle. 
Mosses are growing in the stone walls of the park.
Ornamental shrubs.
An ecstatic feeling to see the roots branching to the octagonal stones in a concrete trail.
Nowadays, we are experiencing problems in our nature, a conflict between urbanization for progress versus saving the environment. In fact, every city or municipality should establish permanent forests, tree parks, or watershed with an aggregate size equivalent to at least two percent of its entire are which is stated in Republic Act 5752. We need to help one another to protect the last lung of Manila.
Different varieties of trees such as molave, narra, palm and even fruit bearing plants are common in this park.
As individuals, we need to make an action to save the forest park. We need to equate our love of nature in our aim for urbanization because trees and plants are the only things that provide fresh air and oxygen in the world that we are living. The next generation of people should stand firm to protect the last and only forest park in Manila. According to the South African cleric, Desmond Tutu, "The world's forests are a shared stolen treasure that we must put back for our children's future." In other words, if there are no forests and trees, the future will suffer from different problems to humanity such as climate change and natural disasters such as drought and flood. 
Trees are life. It provides life for all living things.

A concrete trail  where you can see logs as you walk along the forest park.

I will end up this note by saying, protect the Arroceros Forest Park right now to save the nature to maintain the life of the city and the lives of the people for the future of the City of Manila.
#SaveTheLastLungOfManila
#ProtectArrocerosForestPark

You may also check this post Lawton Stopover: A Walk from the City Hall to the Post Office

Date of Travel: September 29, 2018

Wednesday, October 24, 2018

Noypi-Mental: Ang Kalusugang Mental sa Kasalukuyang Lipunang Noypi

Mga ilang isyu patungkol sa Mental Health. Google Photos
May kakilala ka ba na kapamilya, kaibigan, kaklase, katrabaho, o kapitbahay na pinagdadaanang depresyon? Narinig mo ba ang balitang dumarami na ang bilang ng mga tao lalo ng mga kabataang winawakasan ang kanilang sariling buhay dahil sa kani-kanilang problema? Mayroon ka bang narinig na isang malapit mo na kakilala ay dumaraan sa isang suliraning pang-kaisipan at ngayon ay sumasailalim sa isang therapy o medikasyon upang siya ay gumaling? O kaya naman nakita mo ba ang isang kakilala na nagpakonsulta sa isang psychologist o psychiatrist at may unang bagay na pumasok sa isipan mo noong nakita mo siya na pumunta sa isang mental health center?

Iyan ang ilan sa mga tanong na kadalasan unang pumapasok sa isipan nila kapag ang paksa ay tungkol sa kalusugang mental o mental health. Kapag pinag-uusapan ito, iba ang pananaw nito sa ating lipunan. May pagkakataon na binabalewala din ang isyung ito tulad na lamang ng pagpapakamatay, depresyon, at mga karamdamang sikolohikal tulad ng anxiety disorder, schizophrenia at obsessive-compulsive disorder, Bagkus, nagkaroon ng kontrobersyal na pahayag ang aktor na si Joey De Leon na “ang depression ay gawa-gawa lamang” na ganun ding ang pananaw ng ibang tao. Maliban dito, nagkakaroon ng ideya ang mga tao na husgahan ang mga taong nakakaranas ng mga suliraning ito.  Minsan naman ay nagiging laman ng mga usapan at biro ang isang taong nakakaranas ng suliranin sa kanilang kalusugang mental. Halimbawa na lamang sa mga taong dumaranas ng depresyon, sa halip na unawain ang pinagdadaanan nya, pinag-uusapan pa ito ng mga tao sa paligid nya o kaya naman yun mga taong may kakaibang pagkilos at ugali, yun sinasabing may problema sa pag-iisip, madalas itong nagiging tampulan ng tukso ng ibang tao.  Mas nakakalungkot na ang mga taong dumaranas ng suliranin sa kanilang kalusugang mental ay kinaaawaan, iniiwasan, hinuhusgahan o kinakatakutan para maging sigurado na di sila sasaktan ng pisikal o berbal, di sila makarinig ng panghuhusga ng ibang tao o maaaring ayaw nilang malungkot para sa taong iyon. Isa ding palatandaan na di ganun kalawak ang ating kamalayan sa kalusugang mental ay ang isang tao na pumunta sa mental health center para makipagkita sa psychiatrist at psychologist ay maiisip agad ng mga tao na ito ay problema sa pag-iisip o mas masaklap sasabihin sa iyo ng tao na ikaw ay isang baliw, ngunit sa ibang bansa, normal lang ang magpakonsulta sa mental health clinic.

Nakakalungkot isipin na iyan ang stigma ng ating lipunang Pinoy patungkol sa kalusugang mental. Ayon sa mga salitang binanggit ng Amerikanong aktres na si Glenn Close, “What mental health needs is more sunlight, more candor, more unashamed conversation.” Ang paksang tungkol sa kalusugang mental ay kailangan ng liwanag na madaling masilayan, pagiging bukas upang ito ay madaling maunawaan at isang pag-uusap na hindi kailangang ikahiya at itago dahil ang bawat isa ay magtutulungan upang maintindihan natin ang buhay ng isang tao na may suliranin sa kanyang kalusugang mental. Bukas ba ang ating lipunan tungkol sa mental health awareness? Naunawaan ba natin ito? Gaano kalalim ang ating kamalayan patungkol sa kalusugang mental?

Kamakailan, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11036 o ang Philippine Mental Health Law na iniakda ni Senador Risa Hontiveros. Ang layunin nito ay ang pagkakaroon ng daan para sa pagbibigay ng mental health services sa mga pampublikong ospital at klinika mula sa mga barangay hanggang sa mga bayan at lungsod. Matutugunan ng batas na ito ang karapatan at kapakanan ng mga taong may pangangailangang mental, pagkakaroon ng mental health services sa mga barangay, pagsasama ng saykayatriko, psychosocial at neurolohikong serbisyo sa mga clinic at ospital, at itaguyod ang mental health awareness sa mga paaralan. Isang malaking tulong ang pagpapatupad ng batas na ito para mapalawig pa ang ating kaalaman patungkol sa kalusugang mental. 

Maganda ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa batas na ito. Mas mainam pa rin ang pagkakaroon ng kamalayan sa kalusugang mental kung sisimulan natin ito sa ating sarili.  Napakahalaga din ang pagkakaroon ng kaalaman sa kalusugang mental. Maraming dahilan kung bakit dapat nating pahalagahan ang pagkakaroon ng kamalayan at pang-unawa patungkol sa paksang ito.

Una, ang pagkakaroon ng malusog na kaisipan. Ayon kay David Satcher, isang Amerikanong doktor at siruhano, “There is no health without mental health.” Sa madaling salita, walang kalusugan kung wala ang kalusugang pang-kaisipan natin at mahalaga dito ang pagkakaroon ng malusog na kaisipan. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman, malalim na pang-unawa, pagkakaroon ng maayos na pagkilos at emosyon, ang pag-iisip ng tama o mali bago gawin ang isang bagay at ang positibong pananaw sa ating buhay. Kadalasan, ang ating pag-iisip ay ang nag-uudyok na gumawa ng mga bagay na tama at mali. Ito rin ang nagtuturo kung ano ang dapat sabihin sa isang tao depende sa sitwasyon at sa kanyang saloobin. Sa ating lipunan, madalas ang bawat isa sa atin ay iniisip ang kanilang sariling kapakanan lalo na di sila nakakaranas ng mga suliranin sa kanilang mental na kalusugan. Dahil dito, kapag naiisip nila ang kalusugang mental madalas na pumapasok sa isipan ng ilan ay mental hospital, kabaliwan o sakit sa isip. Nakakalungkot isipin na di ganun kalalim ang kaalaman ng mga Pilipino sa kalusugang mental. Kailangan na magkaroon ng pag-aaral tungkol dito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro, lathalain sa diyaryo, magasin at online at ang komprehensibong pag-aaral, pananaliksik at pang-unawa sa kalusugang mental.  Kailangan ding mabago ang mga maling pananaw patungkol dito at baguhin ang mga kamalian tungkol sa kamalayan natin ukol dito. Gamitin ang ating talino at pang-unawa upang maintindihan natin sa ating mga sarili na hindi isang sagabal ang pagkakaroon ng suliraning mental sa ating pagkatao kung uunawain natin ito. Higit dito, dapat magkaroon tayo ng positibong pananaw tungkol sa kalusugang mental na ito ay madaling agapan ang mga problema tungkol dito at Sa madaling salita, ang malusog na kaisipan ay tanda ng malawak na pang-unawa patungkol sa kalusugang mental at ito ay nagmumula sa ating sarili.

Pangalawa, ang pagkakaroon ng tamang kaalaman ukol sa kalusugang mental ay isang tanda ng maayos na pag-iisip sa ating sarili at sa ating kapwa. Kapag nakuha na natin ang kaalaman tungkol dito, marami tayong matutuklasan sa mundong ito di lamang sa ating sarili pati na rin sa kapwa. Kung tayo ay makikinig lamang sa mga sabi-sabi na pawing totoo pero di naman napapatunayan, mag-isip muna bago tayo gumawa ng aksyon at magbigay ng opinion tungo sa ating kapwa at sa isyu ng kalusugang mental. Kailangan maunawaan mong mabuti ang kalagayan ng isang tao na dumaranas ng suliraning mental. Kailangan malaman ang puno’t dulo ng lahat na ito kung bakit niya nararanasan ang mga suliranin na ganito. Kailangang alamin mga bagay na dapat at di dapat sabihin o gawin upang wag masaktan ang damdamin ng isang tao. Ito ay dahil makakapag-isip ng maayos kung ano ang dapat gawin kung mayroong mga sitwasyon na susubok sa ating pagkatao. Ito rin ay isang  tanda na kapag maayos ang kaisipan ay may malawak kang pang-unawa sa iyong kapwa – tanggap mo ang kanyang kalakasan at kahinaan, nauunawaan mo ang kanyang sitwasyon at kalagayan na walang hinahanap na kapalit, at ang pinakamahalaga, mahal mo sya bilang isang tao na tinuturing mo syang normal sa kabila ng kanyang pagkukulang.

Higit sa lahat, ang pagkakaroon ng kaalaman sa kalusugang mental ay tanda ng maayos na pamumuhay at maunlad na sambayanan. Kapag maayos ang pamumuhay ng bawat isa sa atin, nakakapag-isip ng maayos, namumuhay ng may magandang disposisyon sa buhay na walang tao na nasasaktan o naaapakan, hindi nag-iisip ng masama at negatibo sa paligid mo at namumuhay bilang ng isang responsableng mamamayan na may pananampalataya sa Diyos. Sinasabi na ang mga tao na may maayos na pamumuhay ay tanda ng pagkakaroon ng positibong disposisyon sa buhay. Kapag ganito ang pag-iisip ng bawat tao sa isang komunidad, magkakaroon tayo ng maayos na lipunan na may malawak na pang-unawa sa ating kamalayan ng kalusugang mental. Kung ang ating pag-iisip ay di malawak at mababaw lang ang ating kaalaman patungkol dito, ito ay sumasalamin na hindi masyadong malalim ang ating pang-unawa at kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay.  Maaari din naman na ang kulang sa kamalayan sa kalusugang mental ay maaaring magiging sanhi ng ilang problema sa personal na buhay na makakaapekto sa ating pag-iisip at emosyon kung paano haharapin ang mga ito.  

Nakakalungkot isipin na dahil kulang ang ating kaalaman at kamalayan tungkol sa kalusugang mental dahil sa mga isyu tulad ng pagkakanya-kanya, pagkakaroon ng baluktot na paniniwala at mababaw na kaalaman, pagiging mapanghusga sa kapwa o kaya naman ang anti-intelektwalismo ng mga Pilipino, ito ay nagiging kanser na nagiging sanhi ng pagbagsak ng ating lipunan. Ito ay maaari nating mabago. May panahon pa para maisalba ang lipunang unti-unting nalulugmok dahil isa na rito ang kakulangan natin sa kaalaman sa kalusugang mental. Masakit man isipin ang mga dahilan at naiisip ng iba na imposibleng gawin ang mga dapat gawin upang mabago ang maling pananaw sa kamalayan ng kalusugang mental sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, dapat nating bigyan ng importansya ang kalusugang mental. Nagkaroon na ng unang hakbang ang ating gobyerno para isulong ang Mental Health Law. Kung ito ay maipapatupad ng maayos at makakaabot ito sa iba’t ibang dako ng Pilipinas, ito ay magkakaroon ng napakalaking tulong sa mga mamamayang Pilipino. Subalit ang pinaka-angkop na paraan dito ay magmumula sa ating sarili. Kung may sapat at malawak tayong kaalaman pang-unawa, mauunawaan natin ng lubusan ang mga taong may suliranin sa kanilang kalusugang mental at makakapagbigay pa ng tulong upang maiangat ang kanyang pagpapahalaga sa sarili. Hindi na natin kailangang pagtawanan o husgahan ang isang tao dahil sa kanyang kalagayan, bagkus magkaroon na lamang ng malawak na pang-unawa sa kanilang pinagdadaanan. Lagi nating iisipin, paano kung tayo o ang ating mahal sa buhay ang makaranas ng kanilang pinagdadaanan.

Higit sa lahat, kung ang ating pananaw sa kalusugang mental ay positibo, magiging maganda ang takbo ng ating buhay. Ang bawat isa sa atin ay magkakaroon ng masayang samahan sa pamilya, mga kaibigan, katrabaho at sa komunidad. Ang pagkakaroon ng masayang komunidad ay simbolo ng pag-unlad tungo sa tagumpay ng ating bansa. Ang mga Pilipino ay likas na masayahin sabi nga nila, kung tayo ay magtutulungan na isulong ang kalusugang mental. Gayahin na lamang natin ang ilang bansa sa Europa at Amerika, ang ilan sa mga bansang ito ay may magandang disposisyon sa buhay at nakamit nga nila ang titulo na pinakamasayang bansa sa buong mundo na nakamit ng mga bansang tulad ng Norway, Denmark, Finland at Iceland di dahil sa nabuhay sila sa marangyang pamumuhay kundi may maayos silang serbisyo sa kalusugan lalo na sa mental na aspeto at ang pamumuhay ng mga tao na may positibong pananaw. Maaari din natin itong magawa sa Pilipinas kung aalisin natin ang pagiging negatibo at palitan ito ng mga masasaya at magandang kaisipan tungo sa buhay. Sa madaling salita, ang malalim na pang-unawa at sapat na kaalaman sa kalusugang mental ay isa din sa mga dahilan kung bakit positibo ang pananaw ng mga tao sa isang bansa.

Alam din naman natin na matatag ang ilan nating kababayan sa kabila ng trahedya at pagsubok. Ayon sa isang kasabihan “Your illness does not define you. Your strength and courage does.” Ito ay totoo lalo na sa lipunan natin na nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay na ang iyong lakas at tatag ng loob sa pagharap ng pagsubok ang maglalarawan sa’yo bilang isang indibidwal na nagtagumpay sa mga hamon ng buhay. Kaya lagi nating tatandaan na sa kabila ng ating mga suliranin sa kalusugang mental kahit sa iyong mga kakilala, kaibigan o kapamilya na dumaraan sa ganitong pagsubok, magpakatatag tayo para sa kanila. Maging malakas tayo para maramdaman nila na hindi sila napanghihinaan ng loob sa mundong ito at may magandang buhay na naghihintay sa kanila. Ito ay dahil pagkatapos ng bagyo, sisikat din ang araw at babangon tayong muli.

Bilang pagtatapos, lagi nating iisipin na tayong mga Pinoy ay dapat maging bukas tungkol sa kamalayan sa kalusugang mental. Di natin dapat husgahan o pagtawanan ang mga taong dumaranas ng mga suliranin sa kalusugang mental, unawain at gabayan natin sila na ang mundo natin ay maganda. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at ang pagiging matatag sa pagsubok ay tanda ng isang maayos na kalusugang mental. Ang pinakamahalaga dito ay ang ating kaalaman at pang-unawa sa kalusugang mental ay malawak at malalim para sa maayos na pamumuhay ng bawat isa sa atin at magkaroon ng isang masayang pamayanan tungo sa maunlad na lipunan ng ating bansa. Nagsimula na nga ang pagbabago at unti-unti natin itong nararamdaman na mawawala ang stigma ng mga Pinoy tungkol sa mental health. 

Kaya, ang pagiging Noypi-Mental mula sa pagkakaroon ng mababaw na kaalaman sa mental health awareness ay magiging isang bansang may malalim na pang-unawa ukol dito na hindi hinuhusgahan ang ibang tao na may suliranin at ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

****************


Ang blog na ito ay lahok para sa Saranggola Blog Awards 2018 sa ilalim ng kategoryang Sanaysay.


© No copyright infringement intended.